Followers

Tuesday, March 30, 2010

Mga Sutil At Subersibo



Nakakalungkot na makita ang mga estudyante nang PUP na nagsusunog nang kagamitan nang kanilang eskwelahan. Tinututulan nila ang pagtaas nang tuition fee sa 200 pesos per unit mula 12 pesos per unit. Nagtangka pa silang hakutin ang mga gamit nang eskwelahan nang isakay nila ang mga ito sa isang dyip at balak dalhin sa CHED (Commission on Higher Education) para duon sunugin. Dito sila hinuli nang mga pulis at dinala sa presinto. Nangako ang hepe nang CHED na ihihinto muna ang napipintong pagtataas nang matrikula nang PUP. Kahapon ay inurong nang PUP president ang kanyang reklamo laban sa 5 lider estudyante nang PUP na nanguna sa pagsunog nang mga gamit nang eskwela. Naipalabas sa media ang lantarang paghahamon nang 5 lider estudyante na nakuha pang itaas ang mga tikom nilang kamao (clenched fist). Imbes na magpasalamat na binawi nang presidente nang PUP ang reklamo laban sa kanila at napalabas sila sa kulungan ay parang lalo pa silang naghahamon. Ganito rin ang naging eksena sa campus nang PUP nang pumasok sila duon. Nakataas ang mga kamay sa clenched fist. Hindi na nila naisip na sila ay mga iskolar nang bayan at ang pamahalaan ang sumasagot sa dapat ay sila ang nagbabayad sa matrikula nila. MGA SUTIL MGA SUBERSIBO. KAHIYA HIYA. WALANG DISIPLINA.

No comments: