Followers
Wednesday, March 17, 2010
Nakakasulasok
Dahil sa prinsipyo ay hindi ako naglalahad nang mga negatibong artikulo sa mga blogs ko pero hindi ko na matiis ang pagmamalabis at pagyurak nang Pangulong GMA sa mga Pilipino at institusyong pam Pilipino. Ang pinakahuling hirit ni PGMA ay ang pagpipilit na siyang mag appoint nang bagong Supreme Court Chief Justice na sinagayunan naman nang Korte Suprema. Para bagang naghahanda na si PGMA na maharap sa patong patong na asunto nang plunder at betrayal nang sinumpaan niyang katapatan sa konstitusyon at sa Republika nang Pilipinas. Hinirang na niya ang bagong Chief of Staff nang Armed Forces of the Philippines. Preparasyon na ba ito nang pagdedeklara nang Martial Law kapag tumagilid ang katayuan niya? Una dito ay nagdeklara siyang tatakbo bilang kinatawan nang ikalawang distrito nang Pampanga, preparsyon na maging bagong pinuno nang Kongreso at palitan ang porma nang gobyerno mula presidential tungo sa parliamentary. Kung baga sa baseball, all bases covered ang pangulo sa pagsisiguro na matutuloy ang kanyang pamumuno. Hindi na siya nagkasya na manungkulan nang sampung taon sa kaduda dudang pagkapanalo (kuno- hello Garci?), ngayon gusto pa rin niyang ipagpatuloy ang kanyang panunungkulan by hook or by crook. Kahiya hiya ang naging panunungkulan niya nang ginagantimpalaan pa niya ang mga nagtago nang katotohanan para sa kanya katulad ni Romulo Neri na matapos hindi nagsiwalat nang katotohanan tungkol sa ZTE Scam ay ginamtimpalaan nang magandang posisyon bilang head nang SSS. Abangan ang mga susunod na pakulo ni PGMA sa pagpipilit na ituloy ang pamumuno niya sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
Wala na bang kahihiyan at moralidad sa Pilipinas?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
malalim ang post na ito KuyaMel....salamat for sharing this post...sa wakas naibuga mo narin yong kinikimkim mo....kahit san talaga ang politika very chaotic....madaming corruption sa gobyerno....ang mga tao naman nagbubulagbulagan....yung iba nabibili ang prinsipyo...mahirap na kasi ang buhay ngayon kaya kahit prinsipyo binibinta na...lalo na pagdating sa politika....hoping for a great change...sana....si Lord nalang bahala...:)
buti walang martial law.
Hi Dhemz,
Sana nga walang martial law pero kaduda duda yung galaw ni PGMA na inappoint yung dating head nang Presidential Security Group na perceived na bata niya at loyal sa kanya. Mas maraming senior dito pero siya pa rin ang inappoint ni PGMA. Nakakatakot ang situasyon kasi katulad nung bago prinoklama ni Marcos ang martial law nung 1972, marami na namang kaguluhan at student unrest sa campus- sa PUP at UP. Let us just all pray that the Lord will not allow all the evil schemes of PGMA to happen. Thanks for your visit and comments. God bless you all always.
Post a Comment