Followers

Friday, March 4, 2011

A Repost From GMA News.TV



Pinay DH na may kanser sa Jeddah, humihingi ng tulong

JEDDAH – Isang 59-anyos na domestic helper (DH) ang nanawagan ng tulong upang maipagamot ang kanyang sakit na breast cancer at makauwi na sa Pilipinas para makapiling muli ang kanyang pamilya.

Si Maria Socorro San Jose, tubong Bulacan, ay 20 taong ng nagtatrabaho bilang DH sa Saudi Arabia. Noong Hunyo 2010 ay natuklasan ang kanyang stage 3 breast cancer.

Dahil sa maselang karamdaman, nais ni San Jose na maituloy ang pagpapagamot at makabalik na sa Pilipinas para makasama ang kanyang pamilya na matagal na niyang hindi nakikita.

Ayon kay San Jose naging mabait naman sa kanya ang kanyang amo na tumulong para maoperahan siya at maalis ang bukol sa dibdib.

Makaraan ang operasyon ay kailangan pa rin siyang sumalang sa chemotherapy. Ngunit malaki umano ang gastusin sa naturang pagpapagamot at wala na siyang pangtustos.

Nahihiya na umano si San Jose na lumapit at humingi ng tulong sa kanyang amo dahil malaki na ang nagastos nito sa kanyang operasyon.

Kailangan pa umano ni San Jose na dumaan sa dalawang session ng chemotherapy na tinatayang aabutin ng 14,000 Saudi Riyals ang halaga ng bawat session.

“Tulungan niyo po ako. Gusto ko pang mabuhay at makauwi ng Pilipinas para makapiling ang aking pamilya," panawagan ni San Jose na maaaring makaugnayan sa 0551021307. – GMA News
Reposted From GMA News.TV

4 comments:

Kim, USA said...

Ito ang nakaka-sad, 20 years na siyang nagtatrabaho sa Saudi, ni hinde man lang makapagpagamot at humingi pa nang tulong para makauwi? Can't help but ask saan na yung pinadala niya na money para sa pamilya or does she keep some for herself? Ito ang trait nating pinoy na talagang sobra ang tulong natin sa pamilya wala tayong tinira para sa atin. It's sad.

Mel Alarilla said...

Hi Kim,
You are right there. She should have saved money for herself after working for twenty years in Saudi. Either her family back home did not budget the money she sent to them so that they could have saved some for their future or the money is just sufficient to cover their family expenses. You know how most Pinoy families are in spending the money sent to them. They raise their standard of living whenever money is available. We should be more saving conscious rather than spending conscious. So tragic of her. Thanks for your visit and comments. God bless you always.

His Unfailing Love said...

So sad talaga, this is happening to most Filipinos, sino ba ang pwedeng hingian ng tulong? Ang family? Ang government? Is she doing something for herself? Or her savings for 20yrs???

Mel Alarilla said...

Hi Sarah,
It is tragic indeed that after slaving for twenty years in Saudi, she now has to beg for help from others to defray the cost of her chemotherapy. Maybe the government should help her in as much as she may not have any relatives rich enough to help her. It's a pity that after twenty years of working, she and her family were not able to save for such an emergency as this. Let us all pray that she will be helped by anybody. Thanks for your visit and comments. God bless you always.